May mga
bago akong pinagkakaabalahan ngayon. Well, same field pa rin…scriptwriting.
Ipinanganak talaga yata ako para magsulat (hindi sa pader, tulad ng
pang-iinsulto sa’kin noon ng mga kamag-anak kong walang paniniwala).
Tuloy-tuloy na nga yata ang pagbabalik-telebisyon ng inyong lingkod
(hehehe…almost a year lang naman akong huminto). I’m currently working for
some new interesting shows sa ABS-CBN. Biglaan lang ang mga pangyayari,
unexpected…life is really full of surprises!
I can still recall when i was a kid,
adik ako nu’n sa komiks! Iyong komiks natin dito ha, iyong mga ibinebenta sa
mga bangketa at newstand, iyong mga isinasampay sa sari-sari store noong araw
at pinaaarkilahan ng beinte singko sentimos bawat basa. Nabubugbog pa nga ako
ng tatay ko dahil kahit anong pagbabawal niya sa’kin na magbasa at humawak ng
komiks, hindi ako natitinag. Bakit ko siya pakikinggan, e alam ko noon pa na sa
larangang iyon ako papunta.
Bata pa ako pangarap ko nang maging manunulat at dibuhista
sa komiks. Hindi sorpresa sa’kin na matupad iyon agad right after graduating
from high school (i was only 16 yrs. old). Ang hindi ko inaasahan eh ‘yung
magiging mabilis ang pag-angat ko bilang comics writer. After 2 years of
writing short stories, i was surprised nang bigyan agad ako ng break na humawak
ng mga series. After another year, nobelista na ako. Hindi ko maiwasang
ikumpara ang sarili ko sa ibang comics writer. Iyong iba kasi, tumanda na sa
propesyong iyon, short stories pa rin ang ginagawa, hindi na umangat ang
career, samantalang ako, in three years time lang, nakuha ko na iyong
pinakamataas na puwesto bilang comics writer. Sorpresa ‘di ba?
Isa pang sorpresa…nang umuwi ang tatay ko galing Saudi,
nalaman niyang writer na ako sa komiks. Sa halip na eroplano, imahinasyon ang
pinalilipad ko (Bs Aeronautical Engineering kasi ang kurso natin, hehehe).
Iyong pinakababawal niya sa’kin, iyon pa, mismo ang pinili kong maging trabaho.
Aba, akalain n’yo ba naman, laking gulat ko nang kamayan niya ako at
i-congratulate sa halip na bugbugin sa sermon! Surprise!!!
Siyempre, malungkot na sorpresa sa’kin nang makalipas ang
mahigit sampung taon kong pagsusulat sa komiks ay biglang namatay ang
industriya. Unti-unting nawala ang komiks sa bangketa, mga newstand at
sari-sari store. Masyado akong apektado sa pangyayari…minahal ko ang
trabahong iyon.
May lumapit sa’kin isang araw para magpaturong mag-drawing,
mag-e-exam daw kasi siya sa isang animation studio, iyong gumagawa ng mga
kiddie cartoons like Mickey Mouse, Donald Duck, The Flintstones at iba pa.
Well, hindi ko ipinagdaramot ang kakayahan ko sa pagdo-drawing kaya
pinagtiyagaan ko siyang turuan sa abot ng aking makakaya. Pero hindi sapat ang
dalawang araw para lahat ng nalalaman ko ay matutunan niya. Magkaiba kami ng
kumpas ng mga kamay at imahinasyon.
Hindi siya pumasa sa exam. He encouraged me na subukan ko
raw na mag-exam din kasi maganda naman raw ang suweldo. I was hesitatant kasi
mataas ang tingin ko sa mga animation artist, sabi ko sa sarili ko, hindi ako
gano’n kagaling…hindi ako papasa. Pero dahil jobless ako that time (dahil
wala na ngang komiks), sinubukan kong mag-exam sa studio. Try lang, wala namang
mawawala. Aba! Surpresang malupet…pumasa ako. Nakuha sa tiyaga at
training…iyong kakayahan ko ngayon as an animation artist ay hindi likas sa
karamihan. ‘Till now, nagagamit ko pa rin ang knowledge at skill na ‘to,
maraming animation studio na dito sa Pilipinas ang napasukan ko.
Well, paikliin natin ang kuwento…nang medyo magsawa ako
sa animation, umuwi ako ng probinsiya. Sa Bicol. Want another surprise?
Aakalain ko bang magiging writer/producer/director/actor ako doon sa teatro at
ilang local television programs? Parang imposible pero nangyari. Its a separate
story to tell.
Nang magbalik-Maynila ako (dahil gutom ang inabot ko sa
buhay-teatro sa loob ng tatlong taon), malaking struggle ang nangyari nang
subukan kong maging ambisyoso. Nag-apply ako sa ABS-CBN sa tulong na rin ng
ilang kakilala sa industriya (lalo na ng kababayan kong si Sir RICKY LEE).
Ilang sama ng loob, sakit ng katawan, luha at pawis ang tiniis ko bago nangyari
ang pinakamalaking sorpresa. Nagising na lang ako isang araw na writer na ako
sa paborito kong istasyon ng telebisyon sa edad na 30! I had a vow before na
kapag lumampas ako ng trenta at wala pang nangyari sa career ko…magtatanim na
lang ako ng kamote sa pinaka-liblib na barrio ng pinakamalayong probinsiya sa
Pilipinas. Pero heto ngayon…sa isang iglap…nabago ang kapalaran!
Well, as of now, i lost another show…pero to be
honest…hindi ako nasaktan. Hindi ko naman kasi inaasahan na mapapasama ako
doon…sorpresa na naman. I was only invited kasi to write for an upcoming pure
pinoy animation program ng ABS-CBN, kaya nandu’n ang focus at puso ko. Bonus na
lang para sa’kin ‘yung isa, kaya nang mawala, ok lang sa’kin. Ewan, isipin n’yo
na kung ano’ng gusto n’yong isipin.
SEGUE…
I know naging malamig ako sa grupong kinabilangan ko sa mga
shows na ‘yun. Pero it’s not being un-professional naman, ginagawa ko ang
trabaho ko. May mga bahagi lang siguro sa personalidad ko na kahit kailan ay
hindi nila maiintindihan. Sabi ko nga dati pa, kanya-kanyang topak lang iyan.
I must admit, tahimik ako, hindi nagsasalita most of the
time, hindi nakikipag-usap. But what the hell…ako ito…ganito ako. It
doesn’t mean na porke pinipili kong manahimik…hindi ako karapat-dapat
magsulat. It’s my nature na hindi magsalita kapag walang importanteng
sasabihin! Biro nga nila minsan sa’kin: “Hindi nasisiyahan si Boss Romy.”
Talagang hindi. Hahahaha! Kapag “nakiliti” naman ako, asahan mo, hindi mo
matatagalan ang kakulitan ko. Subukan mong lasingin ako nang husto…!
Another thing siguro is hindi ako mahilig makipag-debate or
makipagtalo. Pagsulatin mo na lang ako…ayoko ng maraming daldalan! Kung may
mali sa ginawa ko, just tell me…teach me how to do it right…then saka ka humusga.
On the negative side ko, siguro nga i hate rejection
pagdating sa pagsusulat. Ganu’n kasi noon sa komiks, big deal pag-na-reject-an
ka ng script. Eh, hindi ako ganu’n…90% ng mga script na ipinapasa ko
napa-publish! Saka sa komiks noon, tahimik ang mundo, nagsusulat akong mag-isa,
walang daldalan, walang usapan…walang rules.
Pero…oo…tama ang iniisip mo…noon pa ‘yun…kailangan
kong gumising. Hell! Gising ako! Alam kong wala nang komiks, iba na ang mundo
ko ngayon at kailangan kong sumayaw kung ano ang musika. Tama naman, e…in
fact…my job right now makes me a better person. Nagbabago ang buhay, walang
permanente…minsan masakit tanggapin pero kinakailangan. We have to move on to
survive.
Kung noong nasa independent production pa ako eh “i’m
braking the rules”…this time…i MUST follow the rules! Kokontra ka pa?
Anyway, balik sa topic. Ang latest surprise na dumating sa
buhay ko ngayon eh nakakagulat talaga. Nagustuhan ng unit head namin iyong
ipinasa kong story concept 3 months ago para sa isang teleserye. Bigla-bigla niyang
pina-develop sa’kin for just 2 days iyong storyline dahil ipe-present na daw
kay Ma’am Charo Santos. I was lucky enough dahil may nakuha akong magaling na
co-writer…my partner…my bestrfriend! We beat the deadline! Sana maging
maganda ang kapalaran ng story concept na ‘yun. Well…nakapagsulat ako at
nakagawa ng concept nang walang maraming daldalan, okrayan at plastikan!
Bakit mala-autobiography ang entry na ‘to sa blog na ‘to?
Oy, mind you, hindi para magyabang ako…hindi ko nature iyon, nagsasabi lang ako
ng totoo. Hindi rin para mang-insulto o i-justify ‘yung mga ugali kong negatibo
para sa iba. Kundi…PARA PATUNAYAN, NA SA BUHAY NA ‘TO, WALANG IMPOSIBLE KAPAG
GINUSTO NATIN! (‘wag lang ‘yung mga hindi logical na bagay, common sense
siyempre) Expect the unexpected, expect
sudden changes, expect for the worst, expect for the best…EXPECT SURPRISES!