SUPERMAN
July 21, 2006 by aseroproduction
Just recently, i watched SUPERMAN RETURNS.
In the real world, THE MAN OF STEEL had been gone for almost 20 years, pero sa kuwento ng pelikula, 5 years lang. I remembered watching Superman since my childhood, i was only 3 years old when i first saw the superhero come to life on silverscreen and it was the late Christoper Reeve who played Clark Kent / Superman in the 4 part series. The most unforgotable one is off course, the original sequel, kahit hindi pa masyadong advanced ang special effects, maganda ang presentation ng pelikula, may puso at talagang matatawag na classic. In this years’ remake, well, mas high tech na ang effects, visually, nakakamangha siya. Rubberized na ang costume ni Superman, mas defined ang kanyang emblem at boots…at take note, may bagong pose while in mid-air ha! Guwapo rin ang bagong Superman, malaki ang hawig kay Christoper Reeve lalo na kapag nasa alter ego niya as Clark. But oh, well…there are some flaws.
May mga details na hindi masyadong naipaliwanag sa movie like, anong pinaggagawa ni Superman in 5 years while searching for any remains of his planet. Iyong plane sa baseball field, problema iyon, sana bago umalis si Superman, inalis niya iyon doon. Si LOIS LANE, ilang beses nabugbog, hindi man lang na-duguan o nagka-pasa man
lang. (I’m sure, Michelle Ricca will agree, ‘di ba Good Friend?) Si LEX LUTHOR, siya pa rin ang antagonist, medyo nakakasawa na iyong character niya na gano’n gano’n na lang kadali rito na gumawa ng mga big events na makakaapaketo sa buong mundo. Si Lois,
parang bumata, eh iyong original na gumanap, medyo may idad na, sana iyong mas matured ang kinuha nilang actress. Si Lex Luthor, stranded sa isla, bakit hindi binalikan at kinuha ni Superman tapos ipinakulong? May iba pa akong napansin pero minor lang, anyway, kung ang titingnan natin ay iyong special effects, iyong mga maaksiyong eksena at manonood lang tayo para maglibang at hindi biling critic, ok lang, hindi masyadong mapapansin ang mga butas sa pelikula. Anyway, in the scale of 1 to 10 stars, for me 7 stars ang movie. Not bad for a remake or should i say…a sequel.
* NOTE: I ORIGINALY POSTED THIS ARTICLE AT THE BULLETIN BOARD.