August 25, 2006 by aseroproduction
Tumatakbo ang buhay natin na parang isang nobela, isang kuwento kung saan tayo ang bida. Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang kasaysayan, iba’t ibang kuwento, iba’t ibang pagkatao, iba-ibang karakter. Binubuo ang ating mga kuwento ng mga kabanata; may masaya, nakakainis, nakakatakot at malungkot na mga pangyayari.
Tatlumpung taon na akong nabubuhay dito sa ibabaw ng mundo, may ilang chapters na rin ang lumipas at natapos sa buhay ko. Kung iisipin, halos nangangalahati o pwede ngang sabihing nangangalahati na ang mga pahina ng kuwentong ako mismo ang bida, kaya naman patuloy kong hinahanap at tinatahak ang tamang landas na patungo sa nararapat na pagwawakas.
Maraming pangarap na nabuo sa mga nakalipas na taon, may ilang mga kabiguan subalit mas marami ang tagumpay. Maraming struggle at pagsubok na dumating subalit patuloy na bumabangon para muling tahakin ang kinabukasang hinahabi ng tadhana.
Marami na akong achievements na nakuha, I must say na sa pag-a-analyze ko, natuklasan kong lahat pala ng ginusto ko ay nakuha ko. May mga pangarap na mahirap abutin, pero dahil sa tiyaga, wala palang imposible. Nagsisimula ang lahat sa isang munting ambisyon, hanggang sa pagdating ng bawat tagumpay, pati ang halos ititnuturing na imposible’y hinahangad na makamit. Hindi masamang mangarap, libre ito, iyong mga taong walang mataas na pangarap ay maaaring sabihing hindi na makakausad at mananatiling nakakahon sa isang monotonous na mundo. Stagnant.
I always crave for success, laging naghahanap ng bago, ng mas mataas na antas, ng mas challenging na mga gawain at sitwasyon. Dahil naniniwala akong hangga’t may pangarap, patuloy na darating ang pagbabago tungo sa pag-akyat natin sa mataas na level ng buhay. Para sa akin, hindi sa salapi sinusukat ang tagumpay ng tao kundi sa bawat pangarap na kanyang natutupad. Kapag masaya ka sa ginagawa mo dahil pinangarap, pinaghirapan at ginusto mo ito, masasabing isa itong matamis na tagumpay.
May ugali akong madaling magsawa sa isang sitwasyon lalo na kung paulit-ulit ito at parang ang bagal ng pagbabago, minsan nakakasuka lalo na kung bulok ang sistema. Kung minsan, napipilitan akong manatili dahil sa pagkakataong iyon, kailangang gawin at hinihingi ng sitwasyon. May mga parte ng buhay din namang pinahahalagahan, iniingatan at minamahal ko at hindi hinahayaang matapos dahil karapat-dapat itong manatiling bahagi ng kuwento
Marami na akong pinasok na trabaho. Lahat ng pinangarap ko, gusto kong subukan, kung minsan kapag naroon na ako at nalaman kong kaya ko, madalas, gusto ko na agad kumawala para abutin na naman ang mas mataas na pangarap. At tulad ng nabanggit ko, wala akong pinangarap na hindi nagkaroon ng katuparan.
Kelan lang, natapos ang isang kabanata sa buhay ko. Nawala sa akin ang isang trabahong minahal at pinangarap ko dati. Puwede ko rin sigurong sabihing kumawala ako rito dahil pinagsawaan ko, alam kong kaya ko pero hindi ko inalagaan dahil nawalan na ako ng gana. But I never quit, nawala ito sa’kin dahil sumuko sa’kin ang mga kinauukulan. I must admit, may mga naging pagkukulang din ako, pero I can’t blame myself coz hindi na rin karapat-dapat mahalin ang sistema. At first, I took it as my major failure, but hey, na-realize kong hindi pala, the fact na napasok ko ang mundong iyon, it was a big success, nagawa ko, nakaya ko, hindi ko lang inalagaan at ipinagpatuloy dahil hindi na ako masaya at pinagsawaan ko ang sistema, ginagawa ko na lang pala iyon dahil sa pera. Iyon ang ayaw na ayaw ko, hindi laging priority sa’kin ang pera kapag pinapasok ko ang isang gawain. Nang mawala sa’kin ang trabahong iyon, I took it as a challenge, I can do better than that kung gugustuhin ko, pero huwag na, dahil nangangarap na naman ako ngayon na sumubok sa mas mataas na antas.
I consider my previous job as a stepping stone, nagbukas iyon ng maraming posibilidad at pagkakataon, ako na ang nalilitong pumili. Masarap maging malaya, iyong hindi ka napipilitang lumunok ng bulok na sistema.
Mas masaya ako ngayon, na-overcome ko na naman ang isang matinding pagsubok, at the same time, I’m heading for bigger opportunities to reach for the stars. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba, wala akong pakialam sa pananaw ng iba, wala akong pakialam sa sinasabi nila; nanggaling na ako sa sitwasyong halos ituring akong tae, walang naniniwala, walang nakikinig, pinagtatawanan, pinagdududahan, pero ano ngayon? Asan sila? Tikom ang bibig, pikit ang mata, may takip ang tenga…dahil supalpal sila! Bakal ang dibdib, bato ang puso, asero ang buong pagkatao, walang akong inuurungang hamon at pagsubok dahil alam kong tagumpay ang hatid ng bawat bagong yugtong dumarating sa buhay ko!
Posted in Uncategorized | No Comments
Comments RSS
Name (required)
Mail (hidden) (required)
Website