ANG PAGBABALIK
February 16, 2007 by aseroproduction
I’m back…and that’s final! It’s been a long while nang huli akong nag-post sa blog na ‘to at nagbulatlat ng aking Friendster acount. Anyway, i have my real picture now…and that smile has a lot of meaning! (Good luck sa mga matatakot na daga! Hehe!)
What’s new? Well, wala namang masyado. One thing is for sure…MAS MASAYA AKO NGAYON! After the "NGINIIIG FEVER", nakabawi rin, medyo apektado ako nang mawala ako sa T.V. show na iyon na ngayon ay nag-REST IN PEACE na rin. I said i was affected kasi iyon ang nagsilbing BAPTISM OF FIRE ko sa mainstream television, unang sabak ko as a professional national television scriptwriter…at marami akong natutunan, na-realize at naging mga makabuluhang karanasan na magiging bahagi ng pagkatao ko habambuhay. Im so thankful sa mga dating co-staff ko sa NGINIIIG na naging totoong tao sa’kin…sa mga "nakamaskara" naman na nakasama ko sa show na iyon, nagpapasalamat rin ako ‘coz dahil sa kanila, na-challenge ako na maging mas competetive at hard working. Now, i can say i am more mature pagdating sa pagiging manunulat. I admit i still have lots of things to learn, and that’s ok kasi ganu’n naman ang proseso ng buhay ng tao ‘di ba?
Balik-animation ako ngayon at maituturing na isang international artist. I’m currently an assistant animator sa TOP DRAW ANIMATION STUDIO, isang foreign company based in the Philippines na top producer ng animated series na ipinalalabas worldwide. Dati ko pang skill ang pagiging animation artist, medyo pinatulog ko lang ito for almost 4 years nang pasukin ko ang mundo ng telebisyon (local & mainstream). Masaya pa rin kasi parang isang araw lang akong hindi nag-drawing nang muli akong humawak ng lapis at humarap sa animation disc. Mas mabilis nga ako ngayong magtrabaho kesa dati. Well, hindi masyadong promising ang compensation pero ok lang din, hindi naman mabigat sa dibdib, walang masyadong sama ng loob, at ang pinaka-importante…totoong tao ang mga kasama ko.
I still have plans to work on television. Hinihintay ko ang feedback ng application ko sa PBB season 2, also, may kausap akong unit head for television, pinagsulat ako ng isang concept para sa isang bagong teleserye and currently, dini-discuss pa sa manegement meeting nila sa Baguio ang kapalaran ng concept ko. I wish pumasa at eventually everything will be alright. Magbubunga pa rin ang pagtitiyaga, pagtitiis at pagsisikap.
Basta, masaya ako ngayon, maraming misteryong nakatago sa likod ng ngiti, its for you to find out. Balitaan ko kayo next time! Ako ‘to…ako na ‘to! Ang totoong ako!
Thank you for your website
I made with photoshop backgrounds for youtube, myspace and whatever
my backgrounds: http://tinyurl.com/5ajonc
have a great day and thank you again!
kamusta ho, anong position mo ngaun sa top draw? nagiintay nln kasi ako ng tawag para sa interview, ang problma dko alam kung anong diskarte gagawin ko. haha