PAST FORWARD
May 21, 2007 by aseroproduction
Tama ang nabasa mo, “PAST”. Walang mali sa ispeling ko. Past. Nakalipas. Nagdaan. Noon. Kahapon. TAPOS NA! Pero bakit hanggang ngayon nagmumulto pa?
Sabi nila, hindi mo raw maitatago, maipagkakaila at matatakasan ang nakalipas, bahagi ito ng pagkatao natin. Kung ano tayo ngayon ay dahil sa nangyari at ginawa natin sa nakaraan; ano man ang mangyari sa’tin sa kinabukasan ay dahil sa ginagawa natin ngayon, na magiging bahagi na lang ng nakalipas pagsapit ng hinaharap.
Lahat naman tayo may mga nakaraang gusto nating kalimutan, mga pangyayaring mas gugustuhin nating manatiling nakabaon sa limot sa halip na paulit-ulit na hukayin para lang magsilbing walang katapusang bangungot. We all have a chance to forget the past and move on, look forward and start a new life. But life really sucks! Its hard to defeat our worst enemy…ourselves!
I have a new life for now, i suppose, iyong kung ano talaga ang gusto ko at kung saan ako masaya, maraming plano, maraming gustong gawin. Masarap isipin, libreng mangarap…pero hindi pala gano’n kadali. Kung inakala kong natakasan ko na ang nakalipas…i was dead wrong. Mas mabilis ngayon ang paulit-ulit na pagmumulto nito. I thought tuloy-tuloy na ang mga ngiti, may mga pagkakataon palang huwad ang guguhit sa mga labi. Its really hard to move on kapag ayaw mag-let go ng past. We might say na okey na tayo, na nagpapatuloy muli ang buhay, pero hindi pala, on our sub-concious mind lies fragments of the past that haunts our spirit. Nakakainis dahil na-realize ko na isa pala ito sa mga bagay na mahirap i-manage. As of now, i have a new job, same network, ABS-CBN pa rin. Nangako ako sa sarili ko na mas pagbubutihin ko, that i won’t commit the same mistakes noong existing pa ang dati kong television show na napasukan; but for Christ’s sake, here i am again…the same bad ass guy na nagkukulong sa sariling mundo. I can’t help it, kung bakit kapag oras ng trabaho, dumarating ang mga “multo”! This caused me paranoia, angst and insecurities. I know i have a lot to show, kaya nga sige, laban…laban lang! Before its too late…
Yes, i’m a Madman. You will hate me for what i’ve done, for what i’ve been doing. But for those who really knows me by heart and soul, you will miss me…and love me for what i am. I’m sick, i’m insane, i’m bad, or even your worst nightmare. I am “me”…and sometimes “not me”…who am i…? I don’t know…i don’t remember…and always don’t wanna think about my God damned identity! ‘Cause this is a new life i think…or…is it really?
YUCK FOU PAST FORWARD!