CONFUSIONS
December 11, 2007 by aseroproduction
Kung minsan dumarating ako sa pagkakataon na pati ang sarili ko, hindi ko maintindihan. May mga pangyayaring alam ko ang dahilan kung bakit dumarating sa buhay ko pero hindi ko masyadong maintindihan ang totoong purpose nito. May mga kasiyahang nadarama pero hindi masyadong nararamdaman. May mga pagkukulang na kahit kailanman ay hindi mapupunuan. May mga hinahanap na pilit nagtatago. May mga pangangailangan na hindi pala nararapat. May mga pag-aalinlangan na walang patutunguhan. May mga pagdududang nagkukubli sa reyalidad. May takot na nagtatapang-tapangan. May pag-iisang dinadamayan ng mga kalungkutan. May nakalipas na ayaw umalis sa kasalukuyan. May katotohanang hindi mo matatakbuhan!