MOVING ON
March 26, 2008 by aseroproduction
Sinilip ko uli itong blog ko after 3 months, December of last year pa pala ako huling nag-post dito. Prior to that post, naging madalang ang pagba-blog ko. Masyado kasi akong naging abala sa trabaho. Nag-suffer din ako mula sa isang malaking setback na may kaugnayan sa personal kong buhay. Pero sabi nga, life has to move on, kaya heto ako ngayon…buhay na buhay na naman!
Gano’n naman talaga, dapat para tayong bola ng basketball na pagkatapos lumagapak sa lupa ay magba-bounce back! Umiikot lang ang gulong ng buhay.
This picture has a lot of meaning para sa akin. May isinisimbolo ang bulaklak at ang babaeng paru-paro. I prefer to keep it myself kung ano man iyon.
Isa itong malaking turning point sa buhay ko, panibagong kabanata kumbaga, panibagong hamon at pakikipagsapalaraan sa hinaharap.
Tungkol sa trabaho, for the meantime, nag-lie low muna ako sa ABS-CBN, kung susumahin ko, hindi naging maganda ang nakarang taon ko sa nasabing kumpanya. Maybe because sinabayan ito ng mabibigat na pagsubok. I had some projects na naumpisahan, merong naudlot, meron ding dapat umpisahan na hindi ko na pinag-ukulan ng pansin. I decided to take a time out sa pressures at stress na nakukuha sa mundo ng telebisyon.
Nag-quit na rin muna ako sa animation, pakiramdam ko kasi, tulad ng ibang artist ay nae-exploit lang ang talent ko. I’m working hard pero hindi sapat ang compensation (para ring sa TV!)
Recently, nagbukas ako ng isang blogsite, tungkol naman ito sa comics, kabalitaktakan ko rito hindi lang ‘yung mga dati kong kasamang writer/artist sa mga publication ng komiks kundi pati na rin iyong mga komikeros na sikat na sa ibang bansa. Medyo may maseselang tema akong tinalakay sa naturang blog kaya pipiliin ko lang siguro ang pagbibigyan ko ng access dito.
Ito ang bago kong pinagkakaabalahan. Siguro, kung nagagawi kayo sa National Bookstore, napapansin n’yo ang mga book titles na ‘to. Precious pages ang publisher ng mga horror books na ‘to. Sila rin ‘yung nangungunang publisher ng mga romance novels. I’m writing for two titles, "MALIKMATA" and "BANGUNGOT". Out na sa market ang mga librong ito. Siguro sa mga susunod na issues pa lalabas iyong mga stories na sinulat ko rito. Mga kuwentong reflection siguro ng pagiging komiks writer ko sa loob ng maraming taon. I’m currently writing din ng tatlong horror novels sa pareho ring publisher at titles, hindi ko pa matapos-tapos dahil kailangan ko pa ng maraming research. Anyway, ‘pag lumabas na, sana tangkilin n’yo.
Masaya ako ngayon sa kasalukuyan kong ginagawa, mas supportive ang mga nakapalibot sa’kin, mas kokonti ang pressure…mas kumikita ng maganda kesa sa dati kong pinag-aksayahan ng oras na barya-barya lang ang napala ko.
Siguro, sa tamang panahon at sapat na budget, itutuloy ko pa rin ang pagpo-produce ng INDIE FILM featuring ASERO PRODUCTION talents. Naniniwala akong magkakaroon ito ng katuparan dahil hanggang sa ngayon, wala pa ring palya na LAHAT NG GINUSTO KO AY NANGYAYARI!