BAKIT MASAKIT MASAKTAN?
August 11, 2008 by aseroproduction
I am reposting this blog entry for a very personal reason…

1.) Lagi kang nakatulala, parang wala sa sarili, lumilipad ang isip. Pero matutuwa ka ba kapag napagkamalan kang baliw?
2.) Walang kang ganang gumawa ng kahit na ano, gusto lang magkulong sa kuwarto, napapabayaan ang trabaho. Subalit paano mo bubuhayin ang sarili mo kung ganito ang gagawin mo?
3.) Walang kang ganang kumain, mas gusto mo pang uminom ng alak kahit wala pang ibang laman ang tiyan, mas gustong maglasing. Ngunit paano mo malalampasan ang kabiguan kung magtatago ka sa espiritu ng alak?
4.) Kumikirot ang iyong damdamin,
parang maraming nakatusok na tinik sa dibdib, isip ka nang isip, ayaw
pakawalan ang alaala ng masakit na karanasan. Pero paano mo haharapin ang kinabukasan kung ayaw mong ibaon sa limot ang nakalipas?
5.) Iyak ka nang iyak, namumugto na ang mga mata’y ayaw mo pang tumigil, masyado kang madrama, ayaw mong tumigil sa kaka-emote. Subalit
paano ka makaka-recover kung lulunurin mo na lang sa luha ang sarili mo
at hindi pag-aaralang tanggapin ang katotohanan?
Ngunit wala nang mas sasakit pa
kung hahayaan mo ang sarili mo na masaktan, na kung tutuusi’y hindi ka
naman dapat nasasaktan kasi may paraang maaaring gawin upang huwag kang
masaktan. ANG PINAKAMASAKIT NA PASAKIT AY KUNG SA SARILI MO’Y IKAW MISMO ANG NANANAKIT!