ANO’NG LATEST?
October 3, 2008 by aseroproduction
Grabe, medyo matagal rin akong hindi nakapagsulat uli ng entry sa blog na ‘to. Sa dami ng nangyari sa’kin, hindi ko alam kung ano ang una kong ikukuwento. Kaya ang mabuti pa, huwag na lang akong magkuwento. Hehehe!
Kidding aside, nagbalik ako recently sa animation industry bilang isang artist, I’m so thankful dahil may talento ako sa larangang ito na palagi kong nagiging fall back sa oras nang kagipitan. Medyo nagbago na rin ako slightly ng lifestyle, bawas na ang pag-inom ng alak at makokolesterol na pagkain. Naaalarma ako dahil 32 pa lang ako’y may kung ano-ano na akong nararamdaman sa katawan. May ilan akong mga kaklase nu’ng hayskul na kung hindi pumanaw na’y naoperahan dahil sa sakit na dulot ng pag-aabuso sa katawan.